Paano Ko Siya Nakilala?

Nakilala ko siya noong 2006 noong nag email siya sa akin ng ganito:

PHOTOS OF THE EXACT EMAIL

email

email2

SUBJECT: HELP!!!!!

FROM: racxie dearos (fussionvocals@yahoo.com)

TO: mccpilipinas@yahoo.com.ph

Friday, September 22, 2006 12:36 PM

hello. good morning. i really dont know how to start. and what to say. My name is June and ive been searching for the right church ever since. A lot of people would say that if you are gay, you are a sinner..i tried a lot of times to join groups and fellowship but all of them are just hypocrites. lately, i encountered a big problem with my family regarding my homosexualtiy…im not the stereotype kind of gay..im str8 looking and behave like a str8 guy but admittedly im gay. just last week, my family kicked me out of the house, they want me die, because they discovered that im gay. they took everything. i ve got nothing. All i could do is pray. i attended this fellowship last sunday but it seems that i cannot understand why they hated homosexuals..during the time i attended the service, i talked to the pastor and told them my problems, that im homeless that i need help and more so that i wanted to know God more. not for any reason that i wanted to use them becuse im in need but to know God. but they just ignore me because im gay. Right now, im here in manila, for 10 days now, im homeless, i only sleep in the park and really nowhere to go..I really need help…i believe that God will never leave me and forsake me…PLease please help me. Hope you could help me. june

SUMAGOT AKO SA EMAIL NA ITO AT ITO ANG SUMUNOD NIYANG EMAIL SA AKIN…

email3

Re: thanks!!!

Saturday, September 23, 2006 10:40 AM

Bro, salamat naman po at nag reply kayo, kala ko talaga di na kayo sasagot nawawalan na ako ng pag asa eh…as usual dito pa rin po ako sa luneta nag tatambay or dito sa mall sa robinsons manila…di ko na po alam kung anong gagawin ko, dumidiskarte na lang ako ng paraan, hirap lalo na pag umuulan, walang tulog..nagkapera na lang ako ngayon dahil binenta ko yung jacket ko…buti na lang po may bumili…dito lang po ako sa luneta..saglit lang po ako dito dahil  wala na rin akong pera…paano ko po kaya kayo mapuntahan, try ko rin matawagan kayo…salamat at nakasagot kayo, alam ko na senyales na ito ng tulong
ng Diyos..di ko alam kung aabutin pa ako ng bukas!!! salamat po talaga…kailangan ko na pong mag out… wala na po akong pera eh. june

ANONG MGA SUMUNOD NA PANGYAYARI?

Hinanap namin ang taong ito sa Luneta pero natagpuan naming siya sa UN Avenue.  Malakas ang ulan noon.  Bumaba kami sa taxi ni Porchia at pinuntahan naming siya sa building.  Mejo talagang maasim na ang amoy niya halatang 10 days na nga sa luneta.  Pero mejo natakot din ako noong nakita ko siya kasi ang nasa isip ko ay isang binatilyo na payatot hindi ko naisip na kasing edad k rin yung humihingi ng tulong.

Kinuha naming siya at sumakay kami sa taxi.  Pagdating naming sa dating bahay naming sa Pasay pinatulog ko siya at nagbilin kami sa nanay ni Porchia na kapag nagising na siya ay pakainin kasi papasok na kaming dalawa sa Korean School.  Hindi na ako nagisip kung mawawala yung mga gamit namin sa bahay paguwi naming basta para sa akin at sa aking namayapang kabiyak hehehehe ay nakatulong kami sa kapwa.  Ang problema nga lang naming noon ay ang sex life naming kasi magkakasama kaming tatlo sa iisang kama!

Lumipas ang mga araw at lingo hinayaan ko siyang magkwento ng kaniyang mga karanasan sa buhay habang isinama namin siya sa MCC sa Makati at nakiusap ako sa mga members na tulungan siyang magkaroon ng pamasahe para makahanap ng work at damit nagbigay naman ang lahat sa aking pakiusap.  Hanggang sa magkapagtrabaho siya sa call center kaya pala englesero!!!  Hanggang sa dumating ang panahon na nakayanan na niyang magisa, at dumating rin yung panahon na naghiwalay na kami ng aking namayapang asawa!  Umuwi na ako ng Cavite pero siya ay nandoon pa rin sa bahay ng aking namayapang asawa pero hindi doon nagtapos ang aming pagsasamahan.

Nagkalayo na kami ng landas noong umuwi na ako ng Cavite at nagging busy na rin siya sa iba’t-ibang mga call centers na pinasukan niya pero from time to time nag tetext pero bihira talagang magkita dahil sa schedule niya.  Kung ano-ano na nangyari ulit sa kaniya ako naman ganoon din hanggang mahal na araw nitong 2009 dumalaw siya sa akin sa Cavite hanggang sa sabi ko sa kaniya dito na rin siya tumira sa bahay ko kasi dalawa naman yung kwarto.

Isang beses sabi ko sa kaniya hanapin niya yung mga kamag-anak niya sa internet malay mo baka nasa ibang bansa sila at baka makatulong sa kaniya.  Ganoon naman ang ginawa niya hanggang sa sinabi niya na nahanap siya ng tita niyang may sariling leather company sa Los Angeles California at nagdesisyon ang tita niya na kunin si Jun para magtrabaho doon.  Masaya naman ako para sa kaniya kasi at long last maiaayos na niya ang buhay niya.  To my surprise na hindi lang pala si Jun ang kukunin ng tita niya para magtrabaho doon kundi pati na rin ako.  To make the long story short inayos ng tita niya ang aming mga papeles at ayos na ang lahat.  At bukas 10 ng umaga magkikita kami ng tita ni Jun sa Lobby ng Ascott Hotel kasama ang aking mama dahil pupunta kami ng Hong Kong para mag shopping then after that may isang buwan kaming tour sa buong Pilipinas then fly sa USA para magtrabaho.

Ngunit ang lahat ng ito pala ay isang matinding panloloko na nilikha ni RENATO DEAROS (JUN DEAROS, NICEFORD DEAROS, RACKXIE DEAROS)

COLLECTION NG MGA EMAILS NG KANIYANG IMAGINARY TITA BENSON:

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.