Kumpisal ng Magnanakaw

Naiwan ni Renato Capunitan Dearos Jr.  ang kaniyang mga gamit sa aming bahay at sa aming pagsasaliksik ng mga ebidensiya nakita namin ang isang sulat kamay niya sa dalawang pirasong papel.

Ito ang larawan ng orihinal niyang sulat:

sulatnijun1

sulatnijun2

sulatnijun3

sulatnijun4

Ang totoo nito hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang aking sulat na ito.  Malayo sa aking isip na isang araw na mararamdaman ko na ang hangganan ng lahat para sa akin.  Sabi nga ng isang sikat na linya “Habang may buhay daw may pag-asa” sa pagkakataong ito sa akin ito ay walang katotohanan.  Habang dumadaan ang oras at panahon ako ay nilalamon ng kawalan ng pag-asa.  Nabubuhay ako sa pag-iisa, kalungkutan, pagsisisi at kasinungalingan.

Amini ko man o hindi.  Ang lahat ng pangyayari sa buhay ko ay isang kasalanan.  Nabuhay ako sa kayabangan, pagsisinungaling at maka mundong buhay.  Marami akong kaibigan, halos sa lahat ng panig ng bansa.  Tunay at mababait na kaibigan.  Tinuring akong pamilya ng walang pagaalinlangan.  Ngunit lunod ako sa mga bagay na pansariling kasiyahan…unti-unti…tinalikuran ako ng mga taong nagtiwala at nagmahal sa akin ng lubos bunga ito ng aking pananamantala at pangaabuso sa kabila ng pagtulong at kabaitan nila.

Sa aking pag-iisa at pagiisip naisipan kong sumulat.  Tinanong ko sa aking sarili kanino ako susulat, bakit ako susulat.  Marami ang media personality ang kahanga-hanga sa katalinuhan, katapangan at dedikasyon sa kanilang trabaho.  Ngunit hindi ako nagdalawang isip na sa iyo iparating ang sulat ko.  Sa iyong mga report sa telebisyon, hindi nawawala ang puso at damdamin sa lahat ng iyong ginagawa.  Taong-tao ka, hindi man kita kilala ng personal gusto ko sa iyo iabot ang aking sulat.

Sa ngayon ligaw ako at hindi ko alam kung ano pa ako sa mga susunod na araw.  Natatakot ako na sa paraang masakit ay hindi ko makayanan ang bigat ng buhay.  Maaaring isang araw ay wala ng saysay ang mabuhay pa.  Natatakot ako sa aking Ina at mga kapatid na maglaho na lamang ako na parang bula.  Dahil iniisip ko na mamamatay ako sa paraang hindi ko sila gagambalain at hindi magiging perwisyo pa para sa kanila.

Ako si Renato C. Dearos Jr. Jun ang aking palayaw, pero marami akong alias, kilala ng iba bilang Nato, Iyin, Wesley at iba pang mga pangalan na hindi ko matandaan.  Ako ang bunso sa pitong magkakapatid.  6 na babae at ako ay nagiisang lalaki.  Bakla o Silahis sa iba.  Hindi ko alam kung ano ang idudulot ng pagiging bakla sa aking kasalukuyan.  Mabait ang aking pamilya wala akong masasabi sa aking mga kapatid at mga magulang.  Ako lang ang pinag-aral ng aking mga magulang sa kolehiyo at siya pang nagging gago sa pagpapatakbo ng buhay.

Pagkatapos ng kolehiyo, namasukan ako sa isang banko maayos sa simula pero sa katagalan naging magulo, naging masama…Hindi (ko) kayang mabuhay ng walang pera.  Ako ang tipo ng tao na magastos sa lahat ng bagay, damit at kung ano-ano pang pagkakagastusan.  Galante ako sa mga kaibigan at sa lahat ng tao sa aking paligid.  Wala akong pakialam kung saan manggaling ang pera, basta may pera ako, sa panloloko, pagnanakaw, pananamantala, panggagamit ng kapwa.

Pumunta ako sa Cebu  ganoon din sa Davao upang kalimutan ang city life na tinatawag.  Namuhay sa probinsiya at mabuhay ng simple.  Tumagal ako ng taon ngunit walang pinagkaiba sa pamumuhay ko sa Maynila, puro panimula pero wasak sa bandang huli.  Bumalik ako sa Maynila nagsimula sa zero at sinubukang mag bago ng paulit-ulit pero wala bigo ako.

Lumuwas ako ng Maynila para sa bagong panimula.  Nakahanap naman ako ng bagong trabaho, maayos at maganda ang bihis.  Magandang opisina at higit sa lahat mataas na sweldo.  Katulad ng dati sa simula maayos ngunit sa bandang huli nalunod ako sa kasaganaan, layaw, makamundong pamumuhay, at nalunod sa salapi, kasunod nito ang pagkakalokoloko muli sa aking trabaho.  Pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki at panggagamit ng kapwa para mabuhay at tugunan ang gusto ko.

Tinatakasan ko ang credit card, ang mga pinagkakautangan, parati ang aking pamilya ang naiipit.  Sila ang sumasagot dahil sa panahong iyon sila ang aking takbuhan.  Maraming pagkakataon ay nangako ako na magbago.  Sumapi ako sa mga Christian Fellowship.  Nag-aral ng salita ng Diyos.  Nangaral sa ibang tao nguni’t bigo ako…..sa kabaklan,  paglustay ng …….. iba.  Sukdulan ay…

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.