Layunin
- Layunin ko sa pagsulat ng Blog na ito na magbigay ng babala sa lahat ng mga taong nakakakilala sa taong ito upang hindi kayo mabiktima tulad ng nangyari sa aming pamilya.
- Layunin ko na isiwalat sa publiko ang mga naging kasamaan ng taong ito upang matuto siya ng isang aral na hindi lahat ng mga taong niloloko ay mananatiling tahimik sapagka’t sa pananahimik mo ay marami pang ibang tao ang maloloko ng taong ito.
- Layunin ko na magbabala sa mga companiya na maaaring pagtrabahuhan ng taong ito upang sila ay makapag-ingat.
- Layunin ko na turuan ng aral ang taong ito upang makapagbagong buhay siya at huwag ng ulitin ang kaniyang mga kasamaan.
- Layunin ko na magbabala sa lahat ng mga taong ito na nanloloko ng kapwa na hindi mananatiling lihim kailanman ang kanilang mga paraan ng panlilinlang.
- Layunin ko na ipunin ang lahat ng mga taong naloko ng taong ito upang mabigyan din sila ng kaukulang hustisya.